Sa PT setting, hindi lang utak at katawan ng PT ang gumagana. Kadalasan, may mga kasama din kaming gamit pag nag te-therapy. Ito ay nagsisilbing aides para mas maging makatotohanan at hindi boring yung exercise na ginagawa ng pasyente.
Sa trabaho namin, kailangan maging mautak ka para sa ikagagaling ng pasyente mo. Strategy ang humanap ng gamit kasi kasama ito sa program na binayaran nila. Naalala ko nung college pa ako, inunti-unti ko ang paghahanap ng gamit sa practice ko hanggang sa nakumpleto ko sila halos nung lisensyado na ako. Nakakatuwa lalo pag tinitignan ko yung mga gamit na napundar ko.
Kaya para sa mga starters, lalo na sa mga pasyenteng gusto pumundar ng gamit: ano-ano nga ba ang kadalasan naming bitbit?
Eto yung kilala mo sa tawag na "kuryente". Para kasi syang kuryente na nag s-stimulate ng muscles na paralisado. Eto correction lang, HINDI SYA ANG NAKAKAGALING NG KAHIT NA ANO MANG SAKIT. Inuulit ko, aide lamang ang mga gamit namin para sa pag galing.. Kadalasan kasi sa mga pasyente, malaki ang paniniwala sa machines na yun ang pinaka dahilan bakit sila gumaling. Hindi po, exercise pa din ang pinaka epektibo. Kaya nga etong machines na ito ay ginagamit lang for 10 mins, max na ng 30 mins depende sa gagamiting mode. Kaya wag po kayong ma adik sa kuryente hehehe dahil aide lamang ito. Kailangan ngunit hindi sya ang pinaka "star" sa therapy.
2. Ankle weights
Eto, pag malakas na ang pasyente tsaka namin binibigyan ng "pabigat". Ang kadalasang laman nito ay buhangin lang at nai bi-bind sa paa gamit ng velcro straps. Madalas ginagamit ito ng mga basketball players, pampataas ng talon daw. Pero sa PT, madaming gamit ito. Minsan pinang sa-substitute namin ito sa dumbells lalo na kung mahina pa ang grip ng pasyente. Pero pag kaya naman na humawak, balik tayo sa dumbell.
eto share ko lang yung murang dumbell na nakita ko sa Daiso last year sa Trinoma. Around 88 pesos lang sya. Ito gamit ko for homecare kasi refillable sya ng tubig so magaan bitbitin, na aadjust ko pa yung weight.
ito ang ilan pang gamit ng ankle weights sa exercise:
Squeeze ball - ginagamit kapag nagsisimula palang mag start ang grip strength ng pasyente. Grip foams - ginagamit para ma enhance pa yung grip strength na meron ang pasyente. Bawat kulay may equivalent range in pounds. Pag mas mataas yung pounds, mas malakas ng grip strength ang kailangan. Theraband - Mas lighter type ng grip strengthener; Para syang isang malaking rubber band na iba't ibang kulay. Nag babase naman sa kulay ang range ng hirap nito i grip.
Lightest -- yellow < red < green < blue < black < silver < gold --- Heaviest
4. Cones/Cups
Cones or plastic cups yung gamit ko for reaching activities. Yung colored kasi, mahal yan. Usually sa mga manufacturers lang merong ganyan. If budget friendly gusto nyo, nakakakuha ako ng cones mula sa mananahi. Yung basyo ng sinulid, yun ang ginagamit kong cones. Maganda din naman kasi matibay.
exercises na kadalasan pinag gagamitan ng cones:
Eto din ba ang mga madalas nyo gamitin na gamit pang exercise? Ano ano pa ba ang ginagamit ng PT nyo sa inyo? Share nyo naman! :D
Lahat ng exercises na nandito ay dapat gawin ng may nakaalalay o may bantay/supervision lalo na kung nagsisimula pa lang matuto bumalanse ulit upang maiwasan ang injury.
This is a basic skill that one patient must attain. Without balance, it may be concluded that a patient is not yet ready to proceed in much bigger task. Balance is one of the main goals in rehab setting and must be mastered by the patient.
Upon seeing the responses on my Q&A post, balance exercises was requested several times by our stroke survivors. I know, kulang yung previous posting ko ng exercises about balance. It was a quick post since a lot was waiting for my response.
To get this topic started, I was working for a patient's goal a year ago. Patient is not a stroke survivor, rather has the same problem as theirs: balance and proprioception. We were working out on strengthening patient's legs also since yun ang isa pa nyang problema. The family documented her physical therapy journey and luckily share the living proofs with me.
The common complains:
"Hirap ako maglakad kasi parang wala akong kontrol sa balanse ko"
"Natatakot ako maglakad kasi baka matumba ako"
"hirap pa ako itaas itong isang paa ko kasi baka matumba ako"
"hirap ako umakyat ng hagdan kasi pag inangat ko yung isa walang lakas yung kalahating side ko, baka matipalok lang ako"
Ano ang unang ginagawa: As in-patient
Kapag bed bound o nakita naming ang pasyente ay lagi lang nakahiga, susubukan namin paunti-unti na iposisyon sya into long sitting o yung nakasandal habang diretso ang paa. Kapag ang BP, HEART RATE AT OXYGEN SATURATION nya ay within normal limits (normal) itutuloy naming iposisyon ng ganun ang pasyente hanggang sa masanay ang kanyang katawan sa position na nakaangat sya.
Kapag sanay na ang katawan nya sa posisyon, tuturuan na namin syang umupo sa gilid ng kama. Kadalasan, tulong ang PT at pasyente sa pag-upo, hanggang sa matuto sya. Kapag naka upo na sya sa gilid ng kama, aalalayan namin sila sa harap habang ang bantay ay naka alalay at salo sa likuran nila. Susubukan naming orasan ilang minuto sila tatagal na nakaupo. Mas matagal, mas maganda dahil ibig sabihin may maliit na balanse sila. Ito ang unang sign na may balanse na ang pasyente, depende sa tagal na kaya umupo na okay ang BP, heart rate at oxygen saturation. Dito na kami magbabase sa susunod na gagawin.
Susubukan na naming turuan na tumayo at umupo sila sa gilid ng kama. Ilang repetitions din hanggang sa masanay sila. Dito namin makikita kamusta na ang lakas ng kanilang tuhod, puro kami verbal cues ng "nay,/ tay, tayo po ng diretso, idiretso po ang tuhod, tumingin po sa TV/pader/ sa magandang anak/ sa akin". In short, stand up straight ang goal dito at sana makatagal sila.
Kapag nakakatagal na ang pasyente, pwede na sila i challenge. Weight shifting ang ginagawa ko para ma test yung standing balance nila. Pero syempre, hindi naman alam ng pasyente ang salitang yan kaya pinapakembot ko sila. Kekembot sila ng 10 times tapos pauupuin ko. Tapos tatayo ulit sila at kekembot. Sampung rounds na ganung routine, pero syempre depende sa BP, heart rate, oxygen saturation at level ng pagod ng patient kung kaya pa ba. Laging alalay dahil sa phase na ito, nag aadjust palang ang katawan ng pasyente. Mabilis mapagod, tumaas ang BP, mahilo. Hindi mo gugustuhin tawagin ang NOD (nurse-on-duty) nya dahil nagsusuka na sa hilo ang pasyente o di kaya nahimatay nalang bigla.
Kapag master na nya ang mga sinabi, pwede mo na i-introduce ang transfers. Lipat sya mula sa kama nya papunta sa upuan o wheelchair ng may alalay mo. Dito na din sisimulan aralin ang assistive device (cane/walker) kasi malapit na sya bumaba sa out patient department. Yehey! Congrats sa pasyente mo :)
As out patient
Mas kumpleto ang gamit, Mas madami pwedeng gawin. Tulad pa din ng mga ginagawa sa taas, ganun pa din ang gagawin pero may additional na.
I eexercise pa din ang Kamay at paa pero hindi ko na masyado ikukwento sa post na ito yun. Gagawa ako seperate post ng exercises ng Kamay at shoulders (upper extremity) Sa ngayon ma- curious muna tayo paano ang balance exercises na pagdating sa out patient.
Sa ibaba ay ang mga kadalasan na binibigay na exercise pang balance:
Ambulation inside parallel bars
Initially dito tinuturuan si patient na mag lakad. Ang parallel bars ay ang pinaka stable na assistive device while ang cane ang pinaka least na stable sa lahat. Dito matututo ang pasyente maglakad ng maayos kasi may salamin at sa tulong ng verbal cues ay ma eexplain mabuti kung kulang ba ang taas ng paa nya? tama lang ba? matitisod ba sya dahil kinakaladkad nya yung paa nya? Dito unang inaayos lahat, habang nagsisimula palang sila ulit matuto.
March in place --> One leg stance without cones --> with cones
Transition exercise ito na ipag mamarch in place muna si patient tsaka sya ipag one leg stance (nakataas ang isang paa habang naka baba at naka balanse ang kabila) tapos kapag master na ng pasyente, pwede na lagyan ng cones. Nilalagyan ng cones para masanay ang paa sa pag angat, upang hindi matisod ang pasyente. Kadalasan kasi, nasasanay nalang sila na kinakaladkad yung paang apektado dahil nabibigatan sila i-angat. Sa simula lang yun, kasi mahina yung binti ng pasyente. Pero pag napalakas na ang binti at hips, makakayanan nang i-angat yung paa sa pamamagitan ng pag angat ng hip at pag tupi ng tuhod. Foot clearance ang goal mo dito. Ang 3 exercise transitions na ito ay nakakatulong din upang hindi mag spastic/ mag tigas yung binti ng pasyente, para hindi sila nag cicircumduction pag naglalakad o yung parang iniikot/ binubwelo nila ung binti nila paharap. Mas maagang matutunan ng pasyente ito, mas mabuti kasi hindi na mahihirapan ang pasyente na i-train sa tamang paglalakad at pag-akyat ng hagdan soon.
One straight line walking ---> Carioca Exercise
In preparation sa stair negotiation
Kung master na ni nanay o ni tatay ang mga exercises in flat surface, mukhang it's time nang i progress sa uneven surface ang activities nya. In short, doon tayo sa hagdan na.
Mag s-stair negotiation lang ang pasyente kapag:
Maayos na ang balanse ng pasyente sa paglalakad sa flat surface; kaya na nya maka-ilang ikot sa loob ng rehab o sa loob ng bahay nang hindi nababangga o natitisod.
May maayos na foot clearance na sya. Meaning, kapag pina-angat ang ankle nya nang naka fix yung sakong sa sahig ay kaya nya at halos kapantay ng taas nito ang normal na paa. May sapat na pag tupi na din ng tuhod pag naglalakad at hindi umiikot ang paa.
Malakas na ang hita ,tuhod at paa nya at kala na nyang sabay-sabay galawin upang iangat ang mga ito sa punto na hindi sasayad ang daliri sa paa sa edge ng susunod na baitang sa hagdan.
Bago tuluyang mag stairs ang pasyente, dapat matuto muna sya paano iaangat ang paa sa baitang ng hagdan. Sa umpisa, turuan munang iangat paisa isa ang paa. Ipapatong lang nya yung isang paa nya sa baitang, pero hindi sya magbibigay ng bigat doon. Gagawin iyon sa parehas na mga paa, mga 20 repetitions muna. Ginagawa ko ito para matutunan ng katawan nilang aangat na sila at para makita ko din at ma test kung may sapat na ankle strength ang pasyente upang iangat ang paa nya para hindi sya sumabit.
Kapag praktisado na at walang palya ang pasyente sa 20 reps na yun, proceed ka na sa step ups.
Pag master na ng pasyente ang mga iyan, pwede na sya magtuloy sa pag aaral umakyat sa hagdan.
Marami pang proseso bago matuto ang pasyente umakyat ng hagdan, pero sa susunod ko na i didiscuss yun para hindi naman tayo maubusan ng pag uusapan.
Ikaw ba ay naka try na ng mga exercise na ginawa ko? Gaano na ka-advance yung balance exercise mo? Share mo naman! :) Comment ka sa baba, sasagot ako pramis.
"Gusto ko makagalaw yung kamay ko para makahawak ako kubyertos"
"Paano ba ito pagagalawin, maam?"
"Etong kamay nalang naiwan sa akin maam eh, sana gumalaw na ito"
Ito yung mga madalas kong naririnig na sagot kapag tinanong ko sila sa unang oras ng therapy namin kung ano na ba ang goal nila. Madalas, frustrated ang karamihan sa kanila kasi nga naman dalawa ang kamay nila pero hindi nila magamit ang isa. Meron ako na encounter, sa halos 2 taon na naming pag PT ay after 1 year na nya nagalaw yung kamay nya. Bakit nga ba ganun? Meron nga bang ganun? Bakit naiiwan ang kamay lang nya?
Himayin muna natin ang mga tanong nyo isa-isa.
Q1: Bakit nahuhuli gumaling ang kamay?
A: Hindi ko din alam. De joke lang..hehe.. Bakit nga ba? Kasi talagang nahuhuli gumaling yan kasi yun na talaga ang usual pattern ng recovery sa stroke. Minsan yung paa, minsan yung kamay yung huli na reresolve. Pero iba ang sabi nung undergrad ako. Medyo malalim na explanation 'tong gagawin ko pero pwede nyo din naman unti-unting intindihin sa pace nyo.
Cortical homunculus is a distorted representation of the human body, based on a neurological "map" of the areas and proportions of the human brain dedicated to processing motor functions, or sensory functions, for different parts of the body.
IN TAGALOG:
Ang drawing sa taas ay isang HOMONCULUS, isa syang distorted "neurological map" na nagrerepresent sa bahagi ng katawan ng tao in relation sa parte ng utak kung saan prinoproseso nito ang galaw, or pakiramdam ng nasabing parte ng katawan.
Representasyon lamang ito ha, para maintindihan ang distribyusyon ng areas ng utak sa mga parte ng katawan natin.
Okay ang hirap nya itagalog in fairness. Pero yun yung thought nun. Obvious naman na ang area ng kamay ang may pinaka malaking sakop jan sa homonculus. Meaning, malaki ang parte ng utak na responsable sa function at sensation ng kamay. Gawin nating basehan itong homonculus bilang mapa ng utak. Magkaroon ng injury sa utak --> isa sa mga areas ng homonculus ang magkakaproblema. Anong mangyayari? edi pwedeng ma paralyze yung area or mawalan ng sensation. Lahat naman ng areas na nasa mapa na yan eh tinatamaan at gagaling din naman kaya lang mas malala at matagal syempre yung recovery ng body part kung saan may pinaka malaki silang sakop na area. Parang nung nagka COVID ang NCR, ang QC ang may pinakamalaking sakop sa NCR. O 'di ba ang tagal din bago maka recover ng QC sa kaso ng COVID? Parang ganun din ang explanation nito.
In short, malaki lang talaga ang area sa utak na sakop ng function ng kamay natin kaya matagal ito makagalaw kapag nagka injury sa utak dahil sa stroke.
Sana nagets mo heheheh.
Q2: Bakit parang manas yung kamay ko?
A: Dahil sa kawalan ng active movement o aktibong pag galaw ng kamay mo dala ng pagka paralisa, yung parte ng katawan mo na paralyzed ay hindi kayang ibalik ang body fluid na naipit sa singit singit nito papunta sa lymph nodes/kulani na nakakalat sa buong katawan mo. Wag ka maalarma, ang kulani ay normal na present sa katawan natin. Hindi lang nagiging normal ito kapag namamaga dahil isa sa signs yun ng impeksyon. Tapos lagi pa naka laylay o nakababa yung kamay mo, so yung fluid na naipon na sa singit singit ng kamay at daliri mo, wala hindi na makabalik sa lymph nodes/kulani mo kasi hindi mo actively mai-pump iyon pabalik gamit ng aktibong pag bukas/sara ng kamay.
Q3: Posible pa bang makagalaw ang kamay ko kahit 1 year post stroke/ or higit pa ako?
A: Hindi ako mangangako at mag papa-asa pero susubukan natin. Ito ang lagi kong sagot sa mga pasyente ko. Kasi tanging yung phasing ng pag-galing ng utak ang makakapag sabi talaga kung posible yan. Pero sa 3 years in practice ko, may nakitaan na akong ganyan. 1 year post stroke sya pero almost 2 years na kaming nag PT. Ang goal nya? Increase shoulder and hand range of motion on (R) upper extremity. Jusko, kung alam nyo lang ilang 3x a wk sa loob yun ng 1 yr na puro hand movement inaaral nya, isa isang daliri pa ung movement. Pero sulit naman kasi bago mag ECQ, marunong na sya mag full hand opening/closing.
Exercises
1. Hindi ko magalaw yung kamay ko. Ano po ba ang pwede gawin?
Una sa lahat, dapat mo muna i-warm up yung kamay mo. Ang utak ng tao ay napaka elastic o stretchable. Marunong mag adapt ang utak sa changes. At nahahati sa dalawa ang hemisphere ng utak mo, kung nagka problema ka sa isang side, may isa ka pang side upang i-train.
a.) Passive hand opening/closing
b.) forearm pronation/supination
Sa umpisa, puro passive muna ang gagawin ng PT. Tapos from time to time, i ta-try na nating i-command yung pasyente na sya ang gagawa ng movement. Para hindi malito at ma pressure ang pasyente, hinahati ko sa tatlong phase ang classification ng kakayanan nila: initial, halfway, at full.
Initial- less than 50% out of 100% of complete range of movement ang kaya; more of sundot lang ng galaw, contraction-like range, maliliit lang na galaw
halfway - 50 % out of 100% of complete range of movement ang kaya; may range pero kalagitnaan lang ng buong normal range ng kabilang limb.
full - 100% of complete range of movement reached; full movement ng walang tulong mula sa therapist.
Sa umpisa, syempre initial lang ang goal natin. Maliit na galaw lang ay isang achievement na. Kasi ibig sabihin, meron nang recovery sa area na yun so paulit -ulit na i ttrain natin yung pasyente hanggang sa ma reach nya yung halfway. Tandaan, kahit sa initial stage palang dapat marunong na mag inhale-exhale ang pasyente para hindi mahilo, tumaas ang BP at mabilis mapagod. Paano nya gagawin yun? Pabilangin mo habang ginagawa nyo yan. Tapos bigyan mo rest periods bawat gawa nyo ng movement.
2. Gusto kong galawin ang kamay ko kaso matigas. Ano pong pwede ko gawin?
A. Paraffin wax bath/ hot compress - Sa rehab facilities lang may paraffin wax bath. Minsan triny ko na tumingin sa online shops kung meron sila, meron naman pero kasi titimplahin mo pa yung wax to oil ratio para magamit mo sya kaya hindi ko na i-eelaborate paano yun. Yan ang kadalasan na prineprescribe ng rehab doctors na gamitin before exercise. Pwedeng substitute yung maligamgam na twalya tapos ibabalot sa kamay. Pero i check nyo from time to time kasi baka mamaya nasusunog na yung kamay ng pasyente. Hindi pa naman sila makaramdam ng buo dahil diba may pamamanhid din sila.
B. ES machine - Isa itong machine na ginagamit para ma target yung muscles ng kamay upang gumalaw. Hindi ko ide-demo yung machine dito dahil dapat PT pa din ang mag-operate nun sa inyo.
C. Icing technique - Kapag sobrang spastic na ng kamay ng pasyente, nag icing na ako. May properties ang cold na nakakapag lessen ng tension sa properties ng ating muscle na ise-send sa control center (brain) kaya nababawasan yung paninigas.
icing kasi matigas yung index at thumb finger nya hindi ma open, then eto yung result ng kamay after icing
3. Kaya ko na mag hand opening/closing kahit hindi pa buo yung range. Nag lessen na din yung paninigas ng kamay ko. Ano na ang pwedeng gawin?
Pwede na mag squeeze ball para i-strengthen yung kamay. Bigyan ng 10-20 reps para pisilin yun. Kung walang ball, pwede sa unan. Pag nakita mong master na yun at naboboringan na or chicken nalang sa pasyente, tsaka ka mag increase ng level of difficulty...
...with cones or paper cups
...with clothespin /sipit
...with peg board
...with ankle weights/ can be replaceable with dumbells or mineral water as pampabigat
3. Na stroke ako at apektado yung kamay na pinang susulat ko. Makakasulat pa ba ako ulit?
Sa mga ganitong kaso, kung mild stroke lang ang nangyari sa pasyente at kayang makahawak ng panulat pero parang wala lang kontrol ang kamay, sinasanay parin namin sya mag sulat dun sa kamay na gamit nya panulat. Dahil yung flow lang naman ng writing ang i-cocorrect namin. Pero paano kapag 1 year post stroke na at hindi pa din nya na achieve yung tamang dexterity or positioning ng affected hand nya sa pagsusulat? Dito na namin sya trinetrain na magsulat sa kabilang kamay nya.
Ang pag gamit ng mga children's workbook ay isang magandang paraan para i-train sa pagsusulat ang pasyente. Kasi andun lahat yung basics bago matuto magsulat ang bata. Andun yung paano mag draw ng shapes, ng lines, then step-by-step na pag susulat ng letra, paano mag cursive hanggang sa mag form ng buong sentence. Ang madalas kong gamitin na sentence for training ay:
The quick brown fox jumps over the lazy dog
kasi andito na lahat ng letters kaya na pa-practice ng pasyente. Dahil limitado ang oras sa therapy, ginagawa ko ang initial work nya under ng supervision ko tapos sya na ang mag tutuloy sa bahay. Parang homework lang. Hanggang sa matuto sya mag sulat ng buong pangalan nya at pirma nya.
Marami pang hand trainings na pwede gawin kung tutuusin, maging creative lang sa pag-iisip. Minsan pag mild stroke cases, pinag tatahi ko sila, o di kaya pinag shu-shoot ng beads sa sinulid. Kasi sila may dexterity para humawak ng maliliit na bagay, kontrol lang yung nawala sa kanila.
Sana nakatulong itong article ko! Feel free to ask questions ha :)
Ang mga exercises na naka post po dito ay kinunan with consent ng mga taong involved. Maari lang po na gawin lang itong example kung ano ang kadalasang pwedeng gawin ng pasyente na exercise lalo na sa panahon ng ganitong crisis. Mangyari lamang po sana na sa bawat pag gawa ng exercises na ito ay DAPAT MAY GABAY NG MIYEMBRO NG PAMILYA O MAS MAINAM KUNG PT MISMO. Maraming salamat sa pag unawa.
Ay, hello ulit! Eto na ang part two ng Q and A natin. Kamusta ba ang lahat?
Wala nang mahabang intro pa, sisimulan ko na mag discuss :D
Q6:
Sa mga kaso na na handle ko, hindi naman 100% na nawawala ang spasticity nila. Nababawasan thru time pero dahil may kahalong gamot na kasi yun at inhibitory techniques. Pero kung ako tatanungin mo, nababawasan lang pero hindi totally nareresolve and malaki ang role ng anti-spasticity drugs sa pagkabawas nito. Mas halata yung bawas sa mga mild stroke lang compared sa major stroke at lalo na sa re-stroke. Anjan lang yan, kadalasan sa mga complains na natatanggap ko ay spasticity sa kamay..kasi karamihan may goal na makahawak ulit ng bagay sa affected hand nila lalo na kung ito yung dominant side o yung palagi nila ginagamit bago sila ma stroke.
Pag nag PT ako ng pasyente, minsan ginagamitan ko sila ng cold compress for 10 mins dun sa kamay na sobrang tigas. Minsan kasi effective yun para mag relax yung kamay, pero mas madalas na prineprescribe sa kanila yung paraffin wax bath para lumambot yung kamay, mas madaling galawin.
Pagkatapos nun, gagamitan namin ng kuryente or ES machine para ma stimulate yung muscle na pang bukas ng kamay.
Application ng cold compress sa kamay kasi matigas yung thumb nya at index finger
Ayan yung hand exercise namin after nya mag cold compress
Q7:
Advisable ang light exercise lang dahil mainit ang panahon. Ingat dapat ang stroke patients sa sobrang init, sobrang pagod at sobrang dami ng kain. Mas milder ang stroke, mas malaki ang possibility na maulit ang stroke.
Q8:
Kapag kalahati ng katawan natin ay paralisado, lumalaylay ito kaya mabigat. Thru correct body positioning at sa pag galing ng utak, nawawala ang bigat kasi ibig sabihin nun naigagalaw na natin yung body part na noon ay paralisado..nagkaka control na ang pasyente kumbaga. Kaya ang sagot ay opo, nawawala yung pamimigat pero thru time yun, sa tulong din ng PT nakakawala din ng pamimigat.
Habang may pamimigat pa, maaaring galawin ng kabilang parte ng katawan yung naparalisang bahagi katulad nito:
To follow nalang po yung sa binti at paa :)
Q9: & Q10
Ang sabi ni Google, AFOis a support intended to control the position and motion of the ankle, compensate for weakness, or correct deformities. AFOs can be used to support weak limbs, or to position a limb with contracted muscles into a more normal position.
In tagalog, si AFO daw ay ginawa para sa pag-ayos ng posisyon at galaw ng ankle/paa. Ginagamit din itong pang posisyon ng muscles na contracted o matigas upang maiayos ito sa normal na posisyon.
Ang AFO po ay ginagamit pang correction lamang meaning mai-cocorrect nito ang paa PERO hindi ibig sabihin noon ay makakalakad na ang pasyente ng walang cane.
Ang pag-alis ng assistive device tulad ng cane, walker at wheelchair ay nagdedepende pa din sa balanse ng pasyente kung kaya ba nya maglakad ng walang tulong ng mga ito.
Mas advisable pa din na gumamit ng assistive device ang pasyente (tulad ng cane) dahil isa sa mga resulta ng stroke ay ang pagkakaroon ng problema sa balanse. Kung ang balanse nito ay hindi kagandahan o may tsansa na matumba/mahulog, hindi advisable na tanggalin agad ang assistive device.. May assessment tools ang PTs na ginagamit para masabi na ready na ang pasyente maging cane-free. Kaya madalas na sinasabi ng PT o rehab doctor, huwag magmadali o mag marunong dahil baka madisgrasya :D
Salamat sa pagbabasa ng part 2! Comment down below lang sa mga pahabol na tanong para makagawa ako part 3 :)
Ang mga exercises na naka post po dito ay kinunan with consent ng mga taong involved. Maari lang po na gawin lang itong example kung ano ang kadalasang pwedeng gawin ng pasyente na exercise lalo na sa panahon ng ganitong crisis. Mangyari lamang po sana na sa bawat pag gawa ng exercises na ito ay DAPAT MAY GABAY NG MIYEMBRO NG PAMILYA O MAS MAINAM KUNG PT MISMO. Maraming salamat sa pag unawa.
Magandang araw!
The previous night, gumawa ako ng Q and A sa isang FB group kung saan ako kasali. Last year, habang naka duty ako ay naisip kong sumali sa mga FB groups related sa mga diagnosis ng most ng pasyente ko para lalong matuto pa sa sitwasyon nila, at the same time, thru simple communication na e-educate ko pa sila sa maliit na paraan.
To continue my "little service", I decided to compile some frequently asked questions from the group. Ito ang ilan sa kanila:
Q1:
Foot drop- ito yung tawag kapag ang paa ay hirap na i-angat, madalas nakapaloob, at nakakatisod kapag inilakad.
Madalas ito makikita sa side kung saan paralisado ang kalahati ng katawan o ang hemiplegic side na tinatawag. Kapag mild ang stroke, minsan ito lang ang pinaka #1 problem ng pasyente. Pero sa karaniwang mga kaso, bukod sa kamay, kasama ang paa sa nagkakaproblema.
Isa din sa mga inirereklamo ng pasyente sa kanyang PT ang pag cu-curl ng daliri sa paa kapag naglalakad. Minsan hindi nga lang sa paa eh, damay pati sa kamay. Sasabihin nila, mahirap maglakad kasi hindi komportable.
Bakit nga ba may ganito?
A:
Kapag nai-istroke ang isang tao, ang talagang makikita mo muna ay ang pagiging flaccid o parang pagkawala ng buhay ng kalahati ng katawan. Ang kadalasang pagkakamali ng pasyente ay akala nila sa kasukasuan ang problema, pero ang problema ay nasa utak talaga dahil sa nangyaring aksidente sa utak. Ang pagiging paralisado ng kalahati ng katawan ay inaagapan agad ng PT gamit ng passive range of motion exercises (PROME). Ang PT muna ang nag gagalaw sa kalahati na naparalisa hangga't hindi pa kaya ng pasyente. Bibilang ng ilang buwan--depende sa bilis ng pag galing ng utak mula sa aksidente-- maninigas na yung apektadong side. Magandang sign ito kasi ibig sabihin, nag sstart nang gumaling ang utak. Pero kapag hindi na-guide ng maayos yung bahagi ng katawan na naninigas, maaaring masanay ito sa posisyon kung saan hindi magagamit ng pasyente ng maayos yung parte na nanigas.
Solution:
Sa unang phase ng PT (naka-admit ng pasyente, total absence ng movement sa affected side), ginagalaw na ng maayos dapat ang paralisadong paa ng PT upang hindi masanay sa pwesto na naka foot drop. Minsan, hinahaluan na din ng stretching para hindi mag tight yung likuran ng paa. Pagka yun ay nag tight kasi, dun na nafo-form ang foot drop. Nilalagyan din ng unan sa talampakan ng pasyente na nagsisilbing kalso para hindi mag point forward ang paa.
Tamang position ng paang na-stroke kapag natutulog
Kapag nasa Out patient department na sya nag PT, tinuturuan na ang pasyente kung paano nya gagalawin ang paa nya. Ako kadalasan, mirror technique ang ginagamit ko. kailangan makita nya gaano nag momove yung paa nya sa salamin. Ang ginagawa ko, pinapasabay ko ipagalaw sa kanya yung dalawang paa nya. Kung wala pang movement ang apektadong side, ituloy lang ang PROME hanggang sa may maramdaman ka nang maliit na sipa mula sa kanya.
ON THE SIDE NOTE: May mga kaso talaga ng footdrop na nangangailangan na ng external help tulad ng AFO (ankle foot prosthesis) na nabibili sa mga medical supply shop or pwede kayo mag-pagawa sa mga therapy centers. Sa pag kakaalala ko, University of the East Ramon Magsaysay at Philippine Orthopedic Center ay may services na nag gagawa ng AFO.
Q2:
Isa sa mga goals na naririnig ko sa mga kaka stroke lang na pasyente ko ay ang balanse nila. "Mam PT, gusto ko na makatayo ulit..gusto ko na makalakad..etc" Syempre sino ba ang ayaw na makagalaw ng maayos ulit. Pero it's a step by step process, hindi kami magician na kaya magpatayo ng pasyente overnight. Madami kaming tinitignang aspeto:
kaya na ba nyang pumwesto mula sa pagkakahiga (supine) papuntang pagkakaupo (long sitting)?
Kaya na ba nyang i-keep yung balanse nya sa pag-upo (sitting balance tolerance)?
kaya na ba nyang gumalaw mula sa pagkakaupo patungo sa pag tayo? (sit-to-stand) Ilang ulit (repetitions) ang kaya nyang gawin?
Kaya ba nyang i-keep ang balanse nya sa pagkakatayo ng may hawak ----> papunta sa walang alalay? (standing balance tolerance)
Kaya huwag niyo mamadaliin ang pag-tayo. Kasi kung hindi pa master gawin ng pasyente ang numbers 1-3, disgrasya ang aabutin nyan!
Kung ang pasyente naman ay may balanse na sa pag tayo, kailangan pa din nyan ng assistive aides para siguradong may suporta habang sinusubukan pa lang nila ang mga unang hakbang nila mula sa pagtayo papuntang paglalakad. Parang baby lang ano.
Q3:
Refer sa Q1 mam. Ganyan ang pwedeng pwesto po ng paa (refer sa picture above)
Para sa usapang weakness ng paa at binti, ito ang iba pang pwede na gawin:
ON THE SIDE NOTE: Exercise ito na pinapagawa para sa foot clearance ng pasyente o para matuto yung pasyente na iangat ang paa nya para hindi pakaladkad yung paglalakad na gagawin. PERO ADVISABLE ITONG GAWIN NG MAY KASAMA KA O ALALAY lalo na sa mga pasyenteng mabilis matumba/madulas. Ito ay para lang sa mga pasyenteng nag-aaral nang maglakad, gamitin ang cane or walker kapag ito ay ginawa.
Q4:
Okay for this case, sakto may pasyente akong 1 year post stroke na. Na meet ko sya last year around November, tapos naging patient ko sya dahil sinalo ko sya mula sa dati nyang PT na mag-aabroad na. Ang naging focus namin dati sa PT nya ay yung kamay nya. Apparently, yung kaso nya ay kaya nyang maglakad pero naiwan yung kamay nya na matigas lalo na pag nag eexert sya ng effort. Hanggang sa hindi pa sya makahawak ng maayos din. Ang hirap nun sa totoo lang ayusin kasi ang tigas ng kamay na nya pero after 4-5 months naayos din namin.
Solution:
Modalities - Gumamit ako ng paraffin wax bath noon para lumambot ang kamay nya. Kung wala kayong ganun, try nyo ang hot compress na de saksak or yung bimpo na binabad sa maligamgam na tubig. Ibalot sa kamay for 10-15 mins. Tapos tsaka i-exercise ng close-open yung kamay. Kung hindi nya kaya i-full open yung kamay, tulungan sya na gawin ito. Same din if di nya kaya i-full close
Kapag may hand-opening/ closing na, pwede na kayo gumamit ng stress ball para i-strengthen o palakasin pa ang muscles sa kamay. Kapag master na nya ang mga ito, pwede ka na magdagdag ng level of difficulty sa exercise.
Level up difficulty of exercises:
ON THE SIDE NOTE: Huwag gagamit ng mabigat o babasagin na gamit para hawakan ng pasyente. Safety first tayo lagi! At habaan ang pasensya sa pag te-therapy para magawa ng maayos ang mga movements. Laging i-cheer up ang pasyente na okay lang magkamali, normal lang ito at wag siyang mairita sa pagkakamali. Kadalasan kasi pag nagagawa na ng maayos ng pasyente, na eexcite ito at namamadali yung execution ng exercise kaya tuloy sa mga susunod na tries nagkakamali na sya. Practice practice practice lang. Repetion is the key!
Q5:
Parte ng stroke ang pagkakaroon ng manhid, pero depende yun kung gano ba karami yung manhid. Kung ikukumpara mo sa piso, ilang sentimo ba? 25 cents? 50 cents? 75? o 100?
Parte ang pamamanhid, asahan na, pero kung napapansin mo na habang tumatagal lalong nadadagdagan yung manhid, magpakonsulta na sa doktor. May ibibigay silang mga gamot para maibsan yan.
Tandaang i-check din ang BP araw araw, isa sa umaga at isa sa gabi, para sure na okay ka for that day. Iwasan din mag bilad sa initan kasi nakaka taas ng BP iyon. Uminom ng maraming tubig para maibsan yung init na nararamdaman, iwas high blood na din.
Maaaring kaya nag mamanhid pag nakapahinga na ay dahil sa pagod ka sa ginawa mo. Laging bibigyan ng breaks in between exercise or tasks ang sarili para hindi agad mapagod. 4 months ka palang, nagsisimula palang bumawi ang katawan mo sa nangyaring stroke.
May Part 2 pa mga ate, kuya. Wait lang! Sa next post ko i uupload yung iba. Salamat!
Magandang araw!
Ako ay nagbabalik bilang PT blogger. Ako ang inyong lingkod, Ate PT!
Dito ay mag she-share ako ng mga PT related topics, mostly therapeutic exercises o yung mga kadalasang therapy na ginagawa namin sa mga pasyente. Pwede din ako mag share ng tips tungkol sa pag-aaral ng Physical Therapy, gaano ba ito kadali o kahirap, gaano kalungkot at kasaya. Samahan nyo ako sa pag bblog para ma inform kayo tungkol sa Physical Therapy.
Para sa unang post bilang Ate PT, magbibigay ako ng chance na sumagot ng mga tanong mula sa inyo :) comment lang po sana at i-ttry ko sagutin. Maraming salamat!
Back pains really sucks! For me, having back pains are very
bothering especially on my part. I'm a college student and I always study at
night. My Chair is higher than the usual height of a regular study chair so i
need to bend my back to reach the table. Doing this for the past 4 years made
my back really painful nowadays. Before, it only hurts for one or two days but
now it hurts every day.
Because of my back is hurting, I thought of having two
pillows for my head. It also helps me to breathe easily before (because i have
colds). After four years of doing this, I now have a crooked back.
When I'm standing, my back is not really straight. Sometimes
I can't breathe easily because of this. I tried straightening my back so that I
can have my right posture back, but when I try making the proper posture my
back always hurts. It seems that my back bones are used in that position.
Then I researched on the internet (since it's the fastest
and easiest way to seek medical help) the easiest ways to make my back straight
again. Since my crooked back is only mild, I think I can make it straight like
before.
Results from my research shows millions of informative
essays about how to make my back straight again. I realized that after not
searching for months, Informative essays are the ones that people trusts to. I
saw that informative essays gives the accurate information than the other
informative materials. One informative essay helped me to cure my crooked back
for the mean time. I practiced it last night, and thank God! it worked! I'll
gonna practice it until my proper posture goes back to normal.
Thanks to informative essays online! They're the best.