Disclaimer:
Ang mga exercises na naka post po dito ay kinunan with consent ng mga taong involved. Maari lang po na gawin lang itong example kung ano ang kadalasang pwedeng gawin ng pasyente na exercise lalo na sa panahon ng ganitong crisis. Mangyari lamang po sana na sa bawat pag gawa ng exercises na ito ay DAPAT MAY GABAY NG MIYEMBRO NG PAMILYA O MAS MAINAM KUNG PT MISMO. Maraming salamat sa pag unawa.
Magandang araw!
The previous night, gumawa ako ng Q and A sa isang FB group kung saan ako kasali. Last year, habang naka duty ako ay naisip kong sumali sa mga FB groups related sa mga diagnosis ng most ng pasyente ko para lalong matuto pa sa sitwasyon nila, at the same time, thru simple communication na e-educate ko pa sila sa maliit na paraan.
To continue my "little service", I decided to compile some frequently asked questions from the group. Ito ang ilan sa kanila:
Q1:
Foot drop- ito yung tawag kapag ang paa ay hirap na i-angat, madalas nakapaloob, at nakakatisod kapag inilakad.
Madalas ito makikita sa side kung saan paralisado ang kalahati ng katawan o ang hemiplegic side na tinatawag. Kapag mild ang stroke, minsan ito lang ang pinaka #1 problem ng pasyente. Pero sa karaniwang mga kaso, bukod sa kamay, kasama ang paa sa nagkakaproblema.
Isa din sa mga inirereklamo ng pasyente sa kanyang PT ang pag cu-curl ng daliri sa paa kapag naglalakad. Minsan hindi nga lang sa paa eh, damay pati sa kamay. Sasabihin nila, mahirap maglakad kasi hindi komportable.
Bakit nga ba may ganito?
A:
Kapag nai-istroke ang isang tao, ang talagang makikita mo muna ay ang pagiging flaccid o parang pagkawala ng buhay ng kalahati ng katawan. Ang kadalasang pagkakamali ng pasyente ay akala nila sa kasukasuan ang problema, pero ang problema ay nasa utak talaga dahil sa nangyaring aksidente sa utak. Ang pagiging paralisado ng kalahati ng katawan ay inaagapan agad ng PT gamit ng passive range of motion exercises (PROME). Ang PT muna ang nag gagalaw sa kalahati na naparalisa hangga't hindi pa kaya ng pasyente. Bibilang ng ilang buwan--depende sa bilis ng pag galing ng utak mula sa aksidente-- maninigas na yung apektadong side. Magandang sign ito kasi ibig sabihin, nag sstart nang gumaling ang utak. Pero kapag hindi na-guide ng maayos yung bahagi ng katawan na naninigas, maaaring masanay ito sa posisyon kung saan hindi magagamit ng pasyente ng maayos yung parte na nanigas.
Solution:
Sa unang phase ng PT (naka-admit ng pasyente, total absence ng movement sa affected side), ginagalaw na ng maayos dapat ang paralisadong paa ng PT upang hindi masanay sa pwesto na naka foot drop. Minsan, hinahaluan na din ng stretching para hindi mag tight yung likuran ng paa. Pagka yun ay nag tight kasi, dun na nafo-form ang foot drop. Nilalagyan din ng unan sa talampakan ng pasyente na nagsisilbing kalso para hindi mag point forward ang paa.
![]() |
| Tamang position ng paang na-stroke kapag natutulog |
Kapag nasa Out patient department na sya nag PT, tinuturuan na ang pasyente kung paano nya gagalawin ang paa nya. Ako kadalasan, mirror technique ang ginagamit ko. kailangan makita nya gaano nag momove yung paa nya sa salamin. Ang ginagawa ko, pinapasabay ko ipagalaw sa kanya yung dalawang paa nya. Kung wala pang movement ang apektadong side, ituloy lang ang PROME hanggang sa may maramdaman ka nang maliit na sipa mula sa kanya.
Sample of mirror Foot drop exercise
Q2:
Isa sa mga goals na naririnig ko sa mga kaka stroke lang na pasyente ko ay ang balanse nila. "Mam PT, gusto ko na makatayo ulit..gusto ko na makalakad..etc" Syempre sino ba ang ayaw na makagalaw ng maayos ulit. Pero it's a step by step process, hindi kami magician na kaya magpatayo ng pasyente overnight. Madami kaming tinitignang aspeto:
- kaya na ba nyang pumwesto mula sa pagkakahiga (supine) papuntang pagkakaupo (long sitting)?
- Kaya na ba nyang i-keep yung balanse nya sa pag-upo (sitting balance tolerance)?
- kaya na ba nyang gumalaw mula sa pagkakaupo patungo sa pag tayo? (sit-to-stand) Ilang ulit (repetitions) ang kaya nyang gawin?
- Kaya ba nyang i-keep ang balanse nya sa pagkakatayo ng may hawak ----> papunta sa walang alalay? (standing balance tolerance)
Kaya huwag niyo mamadaliin ang pag-tayo. Kasi kung hindi pa master gawin ng pasyente ang numbers 1-3, disgrasya ang aabutin nyan!
Kung ang pasyente naman ay may balanse na sa pag tayo, kailangan pa din nyan ng assistive aides para siguradong may suporta habang sinusubukan pa lang nila ang mga unang hakbang nila mula sa pagtayo papuntang paglalakad. Parang baby lang ano.
Q3:
Refer sa Q1 mam. Ganyan ang pwedeng pwesto po ng paa (refer sa picture above)
Para sa usapang weakness ng paa at binti, ito ang iba pang pwede na gawin:
Q4:
Okay for this case, sakto may pasyente akong 1 year post stroke na. Na meet ko sya last year around November, tapos naging patient ko sya dahil sinalo ko sya mula sa dati nyang PT na mag-aabroad na. Ang naging focus namin dati sa PT nya ay yung kamay nya. Apparently, yung kaso nya ay kaya nyang maglakad pero naiwan yung kamay nya na matigas lalo na pag nag eexert sya ng effort. Hanggang sa hindi pa sya makahawak ng maayos din. Ang hirap nun sa totoo lang ayusin kasi ang tigas ng kamay na nya pero after 4-5 months naayos din namin.
Solution:
Modalities - Gumamit ako ng paraffin wax bath noon para lumambot ang kamay nya. Kung wala kayong ganun, try nyo ang hot compress na de saksak or yung bimpo na binabad sa maligamgam na tubig. Ibalot sa kamay for 10-15 mins. Tapos tsaka i-exercise ng close-open yung kamay. Kung hindi nya kaya i-full open yung kamay, tulungan sya na gawin ito. Same din if di nya kaya i-full close
Kapag may hand-opening/ closing na, pwede na kayo gumamit ng stress ball para i-strengthen o palakasin pa ang muscles sa kamay. Kapag master na nya ang mga ito, pwede ka na magdagdag ng level of difficulty sa exercise.
Level up difficulty of exercises:
ON THE SIDE NOTE: Huwag gagamit ng mabigat o babasagin na gamit para hawakan ng pasyente. Safety first tayo lagi! At habaan ang pasensya sa pag te-therapy para magawa ng maayos ang mga movements. Laging i-cheer up ang pasyente na okay lang magkamali, normal lang ito at wag siyang mairita sa pagkakamali. Kadalasan kasi pag nagagawa na ng maayos ng pasyente, na eexcite ito at namamadali yung execution ng exercise kaya tuloy sa mga susunod na tries nagkakamali na sya. Practice practice practice lang. Repetion is the key!
Q5:
Parte ng stroke ang pagkakaroon ng manhid, pero depende yun kung gano ba karami yung manhid. Kung ikukumpara mo sa piso, ilang sentimo ba? 25 cents? 50 cents? 75? o 100?
Parte ang pamamanhid, asahan na, pero kung napapansin mo na habang tumatagal lalong nadadagdagan yung manhid, magpakonsulta na sa doktor. May ibibigay silang mga gamot para maibsan yan.
Tandaang i-check din ang BP araw araw, isa sa umaga at isa sa gabi, para sure na okay ka for that day. Iwasan din mag bilad sa initan kasi nakaka taas ng BP iyon. Uminom ng maraming tubig para maibsan yung init na nararamdaman, iwas high blood na din.
Maaaring kaya nag mamanhid pag nakapahinga na ay dahil sa pagod ka sa ginawa mo. Laging bibigyan ng breaks in between exercise or tasks ang sarili para hindi agad mapagod. 4 months ka palang, nagsisimula palang bumawi ang katawan mo sa nangyaring stroke.
May Part 2 pa mga ate, kuya. Wait lang! Sa next post ko i uupload yung iba. Salamat!







0 comments:
Post a Comment