Disclaimer:
Ang mga exercises na naka post po dito ay kinunan with consent ng mga taong involved. Maari lang po na gawin lang itong example kung ano ang kadalasang pwedeng gawin ng pasyente na exercise lalo na sa panahon ng ganitong crisis. Mangyari lamang po sana na sa bawat pag gawa ng exercises na ito ay DAPAT MAY GABAY NG MIYEMBRO NG PAMILYA O MAS MAINAM KUNG PT MISMO. Maraming salamat sa pag unawa.
Ay, hello ulit! Eto na ang part two ng Q and A natin. Kamusta ba ang lahat?
Wala nang mahabang intro pa, sisimulan ko na mag discuss :D
Q6:
Sa mga kaso na na handle ko, hindi naman 100% na nawawala ang spasticity nila. Nababawasan thru time pero dahil may kahalong gamot na kasi yun at inhibitory techniques. Pero kung ako tatanungin mo, nababawasan lang pero hindi totally nareresolve and malaki ang role ng anti-spasticity drugs sa pagkabawas nito. Mas halata yung bawas sa mga mild stroke lang compared sa major stroke at lalo na sa re-stroke. Anjan lang yan, kadalasan sa mga complains na natatanggap ko ay spasticity sa kamay..kasi karamihan may goal na makahawak ulit ng bagay sa affected hand nila lalo na kung ito yung dominant side o yung palagi nila ginagamit bago sila ma stroke.
Pag nag PT ako ng pasyente, minsan ginagamitan ko sila ng cold compress for 10 mins dun sa kamay na sobrang tigas. Minsan kasi effective yun para mag relax yung kamay, pero mas madalas na prineprescribe sa kanila yung paraffin wax bath para lumambot yung kamay, mas madaling galawin.
Pagkatapos nun, gagamitan namin ng kuryente or ES machine para ma stimulate yung muscle na pang bukas ng kamay.
Application ng cold compress sa kamay kasi matigas yung thumb nya at index finger
Q7:
Advisable ang light exercise lang dahil mainit ang panahon. Ingat dapat ang stroke patients sa sobrang init, sobrang pagod at sobrang dami ng kain. Mas milder ang stroke, mas malaki ang possibility na maulit ang stroke.
Q8:
Kapag kalahati ng katawan natin ay paralisado, lumalaylay ito kaya mabigat. Thru correct body positioning at sa pag galing ng utak, nawawala ang bigat kasi ibig sabihin nun naigagalaw na natin yung body part na noon ay paralisado..nagkaka control na ang pasyente kumbaga. Kaya ang sagot ay opo, nawawala yung pamimigat pero thru time yun, sa tulong din ng PT nakakawala din ng pamimigat.
Habang may pamimigat pa, maaaring galawin ng kabilang parte ng katawan yung naparalisang bahagi katulad nito:
To follow nalang po yung sa binti at paa :)
Q9: & Q10
In tagalog, si AFO daw ay ginawa para sa pag-ayos ng posisyon at galaw ng ankle/paa. Ginagamit din itong pang posisyon ng muscles na contracted o matigas upang maiayos ito sa normal na posisyon.
Ang AFO po ay ginagamit pang correction lamang meaning mai-cocorrect nito ang paa PERO hindi ibig sabihin noon ay makakalakad na ang pasyente ng walang cane.
Ang pag-alis ng assistive device tulad ng cane, walker at wheelchair ay nagdedepende pa din sa balanse ng pasyente kung kaya ba nya maglakad ng walang tulong ng mga ito.
Mas advisable pa din na gumamit ng assistive device ang pasyente (tulad ng cane) dahil isa sa mga resulta ng stroke ay ang pagkakaroon ng problema sa balanse. Kung ang balanse nito ay hindi kagandahan o may tsansa na matumba/mahulog, hindi advisable na tanggalin agad ang assistive device.. May assessment tools ang PTs na ginagamit para masabi na ready na ang pasyente maging cane-free. Kaya madalas na sinasabi ng PT o rehab doctor, huwag magmadali o mag marunong dahil baka madisgrasya :D
Salamat sa pagbabasa ng part 2! Comment down below lang sa mga pahabol na tanong para makagawa ako part 3 :)
Hanggang sa muli!







0 comments:
Post a Comment