Sa PT setting, hindi lang utak at katawan ng PT ang gumagana. Kadalasan, may mga kasama din kaming gamit pag nag te-therapy. Ito ay nagsisilbing aides para mas maging makatotohanan at hindi boring yung exercise na ginagawa ng pasyente.
Sa trabaho namin, kailangan maging mautak ka para sa ikagagaling ng pasyente mo. Strategy ang humanap ng gamit kasi kasama ito sa program na binayaran nila. Naalala ko nung college pa ako, inunti-unti ko ang paghahanap ng gamit sa practice ko hanggang sa nakumpleto ko sila halos nung lisensyado na ako. Nakakatuwa lalo pag tinitignan ko yung mga gamit na napundar ko.
Kaya para sa mga starters, lalo na sa mga pasyenteng gusto pumundar ng gamit: ano-ano nga ba ang kadalasan naming bitbit?
1. ELECTRONIC STIMULATING MACHINE (ES/EMS/TENS/FES)
Eto yung kilala mo sa tawag na "kuryente". Para kasi syang kuryente na nag s-stimulate ng muscles na paralisado. Eto correction lang, HINDI SYA ANG NAKAKAGALING NG KAHIT NA ANO MANG SAKIT. Inuulit ko, aide lamang ang mga gamit namin para sa pag galing.. Kadalasan kasi sa mga pasyente, malaki ang paniniwala sa machines na yun ang pinaka dahilan bakit sila gumaling. Hindi po, exercise pa din ang pinaka epektibo. Kaya nga etong machines na ito ay ginagamit lang for 10 mins, max na ng 30 mins depende sa gagamiting mode. Kaya wag po kayong ma adik sa kuryente hehehe dahil aide lamang ito. Kailangan ngunit hindi sya ang pinaka "star" sa therapy.
2. Ankle weights
Eto, pag malakas na ang pasyente tsaka namin binibigyan ng "pabigat". Ang kadalasang laman nito ay buhangin lang at nai bi-bind sa paa gamit ng velcro straps. Madalas ginagamit ito ng mga basketball players, pampataas ng talon daw. Pero sa PT, madaming gamit ito. Minsan pinang sa-substitute namin ito sa dumbells lalo na kung mahina pa ang grip ng pasyente. Pero pag kaya naman na humawak, balik tayo sa dumbell.
eto share ko lang yung murang dumbell na nakita ko sa Daiso last year sa Trinoma. Around 88 pesos lang sya. Ito gamit ko for homecare kasi refillable sya ng tubig so magaan bitbitin, na aadjust ko pa yung weight.
ito ang ilan pang gamit ng ankle weights sa exercise:
Squeeze ball - ginagamit kapag nagsisimula palang mag start ang grip strength ng pasyente.
Grip foams - ginagamit para ma enhance pa yung grip strength na meron ang pasyente. Bawat kulay may equivalent range in pounds. Pag mas mataas yung pounds, mas malakas ng grip strength ang kailangan.
Theraband - Mas lighter type ng grip strengthener; Para syang isang malaking rubber band na iba't ibang kulay. Nag babase naman sa kulay ang range ng hirap nito i grip.
Lightest -- yellow < red < green < blue < black < silver < gold --- Heaviest
4. Cones/Cups
Cones or plastic cups yung gamit ko for reaching activities. Yung colored kasi, mahal yan. Usually sa mga manufacturers lang merong ganyan. If budget friendly gusto nyo, nakakakuha ako ng cones mula sa mananahi. Yung basyo ng sinulid, yun ang ginagamit kong cones. Maganda din naman kasi matibay.
exercises na kadalasan pinag gagamitan ng cones:







0 comments:
Post a Comment